Hindi man madalas pag-usapan, ngunit ang estado sa buhay ay may malaking dulot sa ponagkaiba ng pagsasaayos ng pera ng dalawang indibidwal. Ang lumaki sa luho ay maaaring gumasta lang nang gumasta dahil iyon ang nakasanayan niya.Ang lumaki naman sa hirap ay todo sa pagtitipid at pag-iipon dahil naranasan niya ang magutom dahil sa kakulangan ng pera, at hindi na nanaisin na maranasan pa ito muli.