Ang Singapore ay may parliamentary democracy na may unitary system of government. Ibig sabihin, may punong ministro (Prime Minister) bilang pinuno ng pamahalaan at isang presidente (President) bilang head of state. Mayroong tatlong sangay ng pamahalaan: tagapagpaganap (executive), tagapagbatas (legislative), at hudikatura (judiciary). Mahigpit ang pagpapatupad nila ng batas kaya kilala ang Singapore sa pagiging disiplinado at maayos.Ang Singapore ay isang multi-religious na bansa. Iba’t ibang relihiyon ang malayang isinasagawa, tulad ng Buddhism, Christianity, Islam, Hinduism, at Taoism. Walang opisyal na relihiyon, ngunit binibigyang halaga ang respeto sa bawat paniniwala Ayon sa Pew Research Center, 26% ng nasa wastog gulang (adult) ay budhist, ito ang pinakamalaking persyento sa mga pinaniniwalaan sa Singapore.