Sa Mesopotamia, ang may pinakamataas na katayuan ay ang “hari” (king) at mga “pari”,sapagkat sila ang may kapangyarihan sa pamahalaan at relihiyon. Sila ang namumuno at nangangasiwa sa mga tao, batas, at mga ritwal. Sa kabilang banda, ang may pinakamababang katayuan naman ay ang mga “alipin” o mga taong pinaglilingkuran, at mga karaniwang manggagawa o magsasaka na walang gaanong kapangyarihan sa lipunan. Ang lipunan sa Mesopotamia ay mahigpit ang paghahati-hati at may malinaw na hierarkiya, mula sa hari at pari sa itaas, mga manggagawa at mangangalakal sa gitna, hanggang sa mga alipin sa ibaba.