Isa sa mga programang direktang may epekto sa kabataan ay ang pagpapalawak ng access sa libreng edukasyon, tulad ng pagpapatuloy ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Malaking tulong ito sa mga estudyanteng kapos sa budget.Pangalawa, ang skills training at TESDA scholarships ay nakatutulong sa mga kabataang nais magtrabaho agad pagkatapos ng high school.Pangatlo, ang mga health programs tulad ng pagpapalakas sa PhilHealth coverage para sa kabataan at indigent families ay nakatutulong sa kalusugan ng mga kabataan sa komunidad.