Ang mga bagyo ay binibigyan ng mga pangalan na sumusunod sa alphabetical order upang mas madali itong matandaan, maipabatid, at maitala. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may apat na set ng mga pangalan ng bagyo na ginagamit taon-taon sa Pilipinas, kung saan bawat set ay may pangalan mula letrang A hanggang Z (hindi kasama ang X). Ibig sabihin, ang mga pangalan ng bagyo ay inuuna ayon sa unang letra ng pangalan mula A, B, C, at iba pa, kaya naman itong "alphabetical."