Gawain 2 Panuto: Basahin ang mga pahayag na binanggit sa sanaysay. Pagkatapos, sumulat ng isang talatang binubuo ng anim na pangungusap na nagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa naging bunga sa pakikipaglaban niya sa diskriminasyon sa mga kababaihan. Isulat ang nabuong talata sa isang buong papel. A. Samantala, kaming mga babae'y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo't. kailangang lumabas ng bahay araw araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Sariling Pananaw: B. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay - kinailangang "ikahon" ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Sariling Pananaw: