Para sa akin, ang pananampalataya ay ang matibay na paniniwala sa Diyos kahit hindi natin Siya nakikita. Ibig sabihin, nagtitiwala tayo sa Kanyang plano, sa kabila ng mga pagsubok o tanong na hindi natin agad masagot.Ito rin ay pagtitiwala na may layunin ang lahat ng nangyayari, at may Diyos na gumagabay sa atin araw-araw.