Masisimulan ko ang disiplina sa pag-iimpok sa pamamagitan ng pagtatabi ng kahit maliit na halaga mula sa aking baon o kinikita araw-araw. Maari akong gumamit ng alkansya o magbukas ng simpleng savings account. Unti-unti, masasanay akong maging responsable sa paggamit ng pera at umiwas sa pagbili ng mga hindi kailangan.Makakatulong ito sa kapwa at pamayanan dahil kapag may naipon ako, maaari akong tumulong sa mga nangangailangan, tulad ng pagbibigay ng pagkain o donasyon sa panahon ng sakuna. Maaari rin akong makilahok sa mga proyekto ng barangay o simbahan. Sa ganitong paraan, ang simpleng pag-iimpok ay nagiging daan upang makapagbahagi at makatulong sa pag-unlad ng aming pamayanan.