Sa aking pananaw, mas makatotohanan ang paliwanag ng agham tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas dahil may matibay itong ebidensya, ngunit mahalaga ring bigyang halaga ang mga mito at paniniwala dahil bahagi ito ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino.Naniniwala ako na ang kombinasyon ng agham at kultura/matandang paniniwala ang pinakamalapit na tunay na nagpapaliwanag sa ating pinagmulan. Mahalaga ang agham para sa kung paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas, at mahalaga rin ang mga mito at paniniwala dahil ito ang nagbigay-hugis sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, na may malalim na paggalang sa kalikasan at sa espiritwal na aspeto ng buhay. Kaya, hindi isang paniniwala lamang ang lubos na makatwiran kundi ang pag-unawa sa lahat ng ito bilang bahagi ng ating kasaysayan at kultura.