Ang mga taga-ilaya ay karaniwang naninirahan sa matataas na lugar tulad ng bundok at burol. Ang kanilang pangunahing kabuhayan ay pagtatanim tulad ng palay, mais, gulay, at pag-hahabi o paggawa ng mga gamit mula sa lokal na materyales. May ilan din na nanghuhuli ng hayop at umaasa sa mga likas na yaman sa kanilang paligid.Samantala, ang mga taga-ilawod naman ay nakatira sa mababang lugar, karaniwan malapit sa ilog o dagat. Ang pangunahing kinabubuhay nila ay pangingisda, pagluluwas at kalakalan, at paghahayupan. Dahil sa lokasyon nila sa tabi ng tubig, umaasa sila sa yamang-dagat bilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.