1. Pagtitipid sa alkansya – Maglagay ng mga barya o perang papel sa alkansiya tuwing may natitipid para unti-unting makatipid.2. Paglalagay ng pera sa bangko – Magbukas ng savings account para masigurong ligtas ang ipon at maaaring lumaki sa pamamagitan ng interes.3. Pagbuo ng personal na badyet – Gumawa ng plano kung saan ilalaan ang kita, kung magkano ang iipon bago gumastos, upang hindi maubos ang pera.4. Pagtitipid sa pagkain at gastusin – Bilhin lamang ang mga kailangan at iwasang maggastos sa luho o hindi mahalagang bagay, tulad ng pagtitipid sa kape sa coffee shop o milk tea.5. Pag-iipon ng maliliit na halaga o barya – Ipunin ang mga barya at maliit na halaga ng pera dahil kapag pinagsama-sama, malaki ang magiging ipon.