1. Lokasyon at HeograpiyaAng mga kabihasnang ito ay umusbong sa tabi ng malalaking ilog (Tigris at Euphrates sa Mesopotamia, Huang He sa Tsina, at Nile sa Ehipto) na nagbibigay ng matabang lupa at sapat na tubig para sa agrikultura.Dahil dito, naging maunlad ang pagsasaka, na naging pangunahing kabuhayan ng mga tao, kaya't nagkaroon sila ng permanenteng pamayanan at organisadong lipunan.Ang mga ilog ay nagsilbing daanan para sa kalakalan at komunikasyon na nagpasigla sa ekonomiya at kultura.2. TopograpiyaAng patag at malawak na kapatagan sa mga lambak-ilog ay angkop sa pagtatanim at pagpapalawak ng mga bukirin.Sa ganitong anyo ng lupa, nagkaroon ng mga sistemang irigasyon at pagtatambak ng tubig na sumuporta sa masaganang ani.Sa ibang lugar naman, gaya ng mga bundok o disyerto, kakaunti ang mga tao at limitado ang kabuhayan.3. KlimaSa Tigris-Euphrates, mainit at tuyo ang klima kaya kinakailangan ang masusing irigasyon para sa pagsasaka.Sa Nile, ang pag-ulan ay kakaunti ngunit regular ang pagbaha ng ilog na nagdadala ng matabang lupa sa paligid, kaya taas ang ani at regular ang produksyon.Sa Huang He, may apat na panahon na nagbibigay ng iba't ibang klima na nakakaapekto sa uri ng pananim at agricultural cycle.