Ayon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato noong 1897, ipinagkasundo ng mga Espanyol na magbayad ng halagang P800,000 sa mga rebolusyonaryo bilang kabayaran sa kanilang pag-alis at pagtigil ng paglaban. Tatlong bigayan ito: P400,000 sa pag-alis ni Aguinaldo, P200,000 kapag naisuko na ang mahigit 700 sandata, at P200,000 kapag naipahayag na ang amnestiya. Bukod dito, may karagdagang P900,000 para sa mga pamilya ng mga Pilipinong napinsala ngunit hindi sumama sa labanan.