Si Teresa Magbanua ay kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas" at siya ang unang babaeng mandirigma sa Panay. Isa siyang guro at lider militar na aktibong lumaban sa mga Espanyol at Amerikano noong Himagsikang Filipino. Pinamunuan niya ang mga tropa sa iba't ibang labanang nagtagumpay laban sa mga mananakop, tulad ng Labanan sa Barrio Yating at Labanan ng Sapong Hill.Naiambag niya ang kanyang tapang, husay sa taktika, at pagmamahal sa bayan sa paglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Kahit na babae sa panahon na talagang itinuturing na hindi angkop ang ganitong papel para sa kababaihan, pinatunayan ni Teresa na kaya niyang mamuno ng mga sundalo at magtagumpay sa digmaan. Bukod sa kanyang papel sa mga laban, sumuporta rin siya sa mga gerilya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.