Si Trinidad Tecson ay kilala bilang "Ina ng Biak-na-Bato" sa panahon ng rebolusyon sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga ilang babaeng Pilipino na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng mga kalalakihan. Bukod dito, siya rin ay tinaguriang "Ina ng Philippine National Red Cross" dahil sa kanyang maalagang paglilingkod sa mga sugatang Katipunero. Kasama siya sa hukbo ni Heneral Mariano Llanera at naging aktibo sa mga labanan para sa kalayaan. Nang lusubin ang Biak-na-Bato, siya rin ang nangasiwa sa bahay para sa mga maysakit at sugatan.