Ang kasuotan ng mga maharlika sa sinaunang Pilipinas ay nagpapakita ng kanilang mataas na antas sa lipunan. Karaniwan, ang mga lalaki ay nagsusuot ng bahag at isang maikling manggas na kamiseta na kulay pula, na siyang simbolo ng kanilang katayuan bilang datu o maharlika. Sa ulo, karaniwang may tinatawag na putong na tela na nakabalot, na may iba't ibang disenyo at kulay na nagpapahiwatig ng kanilang katapangan at ranggo.Ang mga babae namang maharlika ay nagsusuot ng baro bilang pang-itaas at saya bilang pababa, na pinapakita rin ang kanilang antas. Wala silang sapatos kaya karaniwan silang nakatapak lamang.