HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Araling Panlipunan / Senior High School | 2025-07-28

Magandang Hapon po my dear mommies and kids!Wala pong pasok bukas upang bigyang daan na makapanuod ang mga mag-aaral ng SONA ng ating Pangulo. Ako po ay humihiling na samahan at gabayan po ninyo sa panunuod ng SONA 2025 ang inyong mga anak at pagkatapos ay tulungan din silang sagutan ang mga katanungan.Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa Assignment Notebook.1. Ano ang ibig sabhin ng acronym na SONA?2. Saan at kailan idinaraos ang SONA? 3. Sino ang nagbibigay ng SONA?4. Bakit idinaraos o isinasagawa ang SONA?5. Alin sa mga nabanggit na mga programa at aktibidad ng SONA ang napagtagumpayan at alin naman ang hindi? 6. Ano ang importansya ng SONA sa mga mamamayan at sa ating bansa?7. Sa markang 1-10, kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na i-rate ang ating pangulo batay sa SONA, ilan ang ibibigay mong marka nito. (1 pinakamababa, 10 pinakamataas). Bakit ito ang iyong rate? 8. Bakit mahalaga ang pagpapahayag ng SONA?Magpasa po ng dalawang larawan bawat mag-aaral na magsisilbing kanilang attendance sa nasabing araw. 1. Larawan na nanunuod ng SONA2. Larawan na nagsasagot/ nagsususlat. Maraming salamat po and God bless​

Asked by juditharbuyes41

Answer (1)

Mga Sagot sa Tanong sa Panonood ng SONA 2025:Ano ang ibig sabihin ng SONA? – State of the Nation AddressSaan at kailan idinaraos ang SONA? – Sa Batasang Pambansa sa Quezon City, tuwing ikatlong Lunes ng Hulyo.Sino ang nagbibigay ng SONA? – Ang Pangulo ng PilipinasBakit idinaraos o isinasagawa ang SONA? – Upang iulat ang kalagayan ng bansa at ilahad ang mga plano ng pamahalaan.Alin sa mga nabanggit na programa at aktibidad ng SONA ang napagtagumpayan at alin naman ang hindi? – Napagtagumpayan: Pagtaas ng job employment at digitalization ng mga serbisyo. Hindi pa natupad: Pabahay at transport modernization sa lahat ng rehiyon.Ano ang importansya ng SONA sa mga mamamayan at sa ating bansa? – Nagbibigay ito ng kaalaman sa mga mamamayan tungkol sa direksyon ng pamahalaan at tinutulungan tayong maging mapanuri sa mga pangyayari sa bansa.Rate ang Pangulo mula 1–10 at bakit? – 8/10 – Dahil may malinaw na plano ang pangulo, ngunit may mga proyektong hindi pa rin natatapos.Bakit mahalaga ang pagpapahayag ng SONA? – Dahil ito ay paraan upang mapanagot ang mga lider sa kanilang mga pangako, at malaman ng taumbayan ang tunay na kalagayan ng bansa.

Answered by KizooTheMod | 2025-08-07