Ang Teoryang Mainland Origin Hypothesis ni Peter Bellwood ay nagsasaad na ang mga unang tao sa mga isla ng Timog-Silangang Asya, kabilang ang Pilipinas, ay nagmula sa mainland Asia, partikular mula sa rehiyon ng timog China at paligid ng Taiwan. Mula sa lugar na ito, kumalat ang mga tao (Austronesian) patungo sa mga isla ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at iba pang bahagi ng Pacific, dala ang kanilang kultura, wika, at teknolohiya. Pinaniniwalaan na tinulungan ng mga migrasyon mula sa mainland ang pag-unlad ng agrikultura at pag-usbong ng mga mas malalaking pamayanan sa mga isla.Sinasabi rin sa teoryang ito na may ugnayan ang mga sinaunang populasyon ng Timog-Silangang Asya sa mainland Asia, na nagresulta sa pagkakatulad ng wika at kultura sa rehiyon. Ang teoryang ito ay bahagi ng mas malawak na pagsasaliksik ni Bellwood tungkol sa Austronesian Migration o ang pagkalat ng mga Austronesian sa rehiyon mula sa mainland hanggang sa mga isla ng Pacific.