Emilio Aguinaldo Siya ang pinuno ng rebolusyonaryo na itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato. Pinangunahan niya ang pakikipagkasundo sa mga Espanyol upang pansamantalang itigil ang labanan kapalit ng mga pangakong reporma at bayad-pinsala. Siya rin ang naging pangulo ng Supreme Council ng Republika.Pedro Paterno Siya ang naging tagapamagitan o negosyador sa pagitan ng mga Pilipino at ng pamahalaang Espanyol. Siya ang lumagda sa kasunduan bilang kinatawan ng mga Pilipino, na tumulong para mapagtibay ang biak-na-bato.Fernando Primo de Rivera Siya ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas noong panahong iyon at kinatawan ng pamahalaang Espanyol na lumagda sa kasunduan. Pinamahalaan niya ang mga negosasyon para wakasan ang himagsikan.Felix Ferrer at Isabelo Artacho Sila ang mga nagsulat ng konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato na naglatag ng mga batayang karapatang pantao tulad ng kalayaan sa relihiyon, pamamahayag, at edukasyon.