Ang dahilan ng pagtungo ng mga Amerikano sa Pilipinas ay dahil sa kanilang pagkakasangkot sa Digmaan sa Cuba laban sa Espanya noong 1898. Sa kasunduan ng Paris, ipinagbili ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos kapalit ng 20 milyong dolyar. Layunin ng Estados Unidos na palawakin ang kanilang teritoryo, kontrolin ang Pilipinas bilang kolonya, at dalhin ang kanilang impluwensya sa Asya.