Ang Mainland Origin Hypothesis ni Peter Bellwood ay isang teorya na nagsasabing ang mga unang tao sa Timog-Silangang Asya, kabilang ang mga ninuno ng mga Pilipino, ay nagmula sa mainland Asia, partikular sa rehiyon ng timog China. Ayon sa teoryang ito, ang mga Austronesian mga grupong etnolingguwistikong dahilan ng pagkakatulad ng mga wika at kultura sa rehiyon ay naglakbay mula sa mainland na ito patungo sa Taiwan, at mula roon ay lumipat patungong hilagang bahagi ng Pilipinas, bago kumalat pa sa ibang bahagi ng Indonesia, Malaysia, New Guinea, at maging sa mga isla sa Pacific tulad ng Samoa, Hawaii, Eastern Island, at Madagascar.