Ang Teoryang Bottom of the Sea ay nagsasaad na ang Pilipinas ay nagmula at umangat mula sa ilalim ng dagat dahil sa paggalaw ng crust o kalupaan sa ilalim ng karagatan. Hindi daw ito naging bahagi ng mainland Asia o kadugtong nito. Ayon kay Dr. Fritjof Voss, ang Pilipinas ay lumitaw dahil sa pag-angat na sanhi ng mga fault o linya ng lindol sa ilalim ng dagat, at patuloy pa itong umangat hanggang ngayon. Ipinapaliwanag nito na ang mga pulo sa Pilipinas ay hindi na-bridge o na-konekta sa kalupaan ng Asia kundi umusbong lamang mula sa ilalim ng dagat dahil sa mga paggalaw ng tectonic plates.