Ang nagtatag ng Asociacion de Damas de Cruz Roja (Philippine Red Cross Association) ay si Hilaria del Rosario de Aguinaldo, ang maybahay ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Itinatag ito noong panahon ng Unang Republika ng Pilipinas upang alagaan ang mga sugatan at maysakit na kawal noong Digmaang Pilipino-Amerikano.