Ang mga Austronesian ay nagmula sa Taiwan. Sila ay lumisan mula sa Taiwan mula 3000 hanggang 1500 BCE at kumalat sa iba't ibang bahagi ng Timog-silangang Asya, maging sa mga pulo sa Pasipiko at Indian Oceans. Taiwan ang pangunahing pinagmulan o "homeland" ng mga Austronesian ayon sa mga pag-aaral ng wika, arkeolohiya, at genetika.