Ang pagiging disiplinadong mamamayan ay nangangahulugang paggawa ng tama kahit walang nakakakita. Ang disiplina ay nagsisimula sa tahanan kung saan natututunan ang tamang asal at respeto sa kapuwa. Kapag ang bawat isa ay may disiplina, nagdudulot ito ng kaayusan at kabutihan sa buong komunidad.Mahalaga ang disiplina dahil ito ay nagiging susi sa pag-unlad ng bayan. Halimbawa, ang simpleng pagsunod sa batas, pagtapon ng basura sa tamang lugar, at pagrespeto sa iba ay nagpapakita ng pagiging disiplinadong mamamayan. Sa kabuuan, ang disiplina ay kaakibat ng kabutihan at pundasyon ng maayos na lipunan.