Sa aking palagay, mayroon talagang sariling kultura ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol sa ating bansa. Mayaman na sila sa mga tradisyon, paniniwala, sining, at sistema ng pamumuhay. Gumamit sila ng sariling sistema ng pagsulat tulad ng Baybayin, mayroon silang panitikan gaya ng mga alamat, epiko, at kuwentong bayan, at may mga natatanging kasanayan sa pagpipinta, pag-ukit, at musika. Bukod dito, may impluwensya na rin ang mga mangangalakal mula sa India, Malay, Tsina, at iba pa, kaya nagkaroon ng mas malawak na kultura na humubog sa mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Kaya't hindi natin masasabi na wala silang sariling kultura, bagkus ito ay kaya umunlad at nakapagpatuloy sa kabila ng kolonisasyon.