Mahalagang malaman at sundin ang tamang posisyon ng katawan sa paggamit ng computer upang maiwasan ang mga problema sa kalusugan gaya ng pananakit ng likod, leeg, balikat, at pulso. Nakakatulong ito para mapanatili ang wastong postura, maiwasan ang mabilis na pagkapagod, at mabawasan ang panganib ng mga sakit tulad ng carpal tunnel syndrome at eye strain.Sa tamang posisyon, ang likod ay pantay at nakasuporta, ang mga mata ay nasa tamang layo (mga 50 cm) mula sa monitor, at ang mga kamay ay nakaposisyon nang maayos sa keyboard para maiwasan ang sakit at pagod ng kalamnan. Mahalaga rin ang tamang pag-upo at pag-aayos ng height ng mga kagamitan para maging komportable at epektibo ang paggamit ng computer.