Ang SONA o State of the Nation Address ay idinaraos tuwing ikatlong Lunes ng Hulyo bawat taon. Ginaganap ito sa Batasang Pambansa sa Quezon City, kung saan ang Pangulo ng Pilipinas ay nag-uulat tungkol sa kalagayan ng bansa.Layunin ng SONA na:Iulat ang mga natapos at kasalukuyang proyekto ng pamahalaan.Talakayin ang mga suliraning kinakaharap ng bansa.Ihayag ang mga plano ng Pangulo para sa susunod na taon.Mahalaga ito dahil dito naipapaalam sa mamamayan ang direksiyon ng pamahalaan at kalagayan ng ating lipunan.