Sa Naic, Cavite nagtatag si Andres Bonifacio ng sarili niyang pamahalaan matapos ang hindi pagkakasundo sa resulta ng halalan sa Tejeros Convention. Si Bonifacio ay inaresto sa Indang, Cavite sa utos ni Emilio Aguinaldo. Ang Bahay na Pinaglitisan kay Andres Bonifacio sa Maragondon, Cavite ay kung saan siya nilitis ng hukumang militar noong Mayo 1897.