Ang Kabihasnang Maya ay isang sinaunang kabihasnan sa rehiyon ng Mesoamerica, partikular sa timog-silangang Mehiko, Guatemala, Belize, at kanlurang bahagi ng Honduras at El Salvador. Kilala ang mga Maya sa kanilang natatanging sistema ng pagsusulat, mga templo at piramide, advanced na kalendaryo, matematika, at astronomiya.Namuhay ang mga Maya mula pa noong bago-Klasikong panahon (c. 2000 BK–250 BK) hanggang sa tuktok ng kanilang kabihasnan sa Klasikong panahon (c. 250 CE–900 CE). Ang mga malalaking lungsod-estado ay may makapangyarihang mga pinuno at bumuo ng masalimuot na lipunang panrelihiyon at pampolitika. Kilala rin sila sa agrikultura, partikular ang pagtatanim ng mais, beans, at kalabasa, na nagsilbing naging pundasyon ng kanilang kabuhayan.