Ang pagkakatulad ng barangay at sultanato ay pareho silang lokal na pamahalaan o komunidad na may sariling pinuno at sistema ng pamamahala na may awtoridad sa nasasakupan. May organisadong liderato ang parehong barangay at sultanato na nangunguna sa pag-aayos ng mga suliranin, pagtanggap ng mga kasapi, at pagpapatupad ng mga batas sa kanilang lugar.Bukod dito, pareho rin silang may istrukturang panlipunan na gumagamit ng mga uri ng tao tulad ng mga datu, maharlika, timawa, at alipin, na may kanya-kanyang tungkulin sa lipunan.