Noong sinaunang Ehipto, malaki ang naging epekto ng Ilog Nile sa buhay ng mga tao dahil dito sila umaasa ng tubig para sa agrikultura. Ang pagbaha ng Nile ay nagdadala ng matabang lupa na ginamit sa pagtatanim. Sa kabilang banda, binago nila ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kanal at dike upang kontrolin ang tubig at mapalawak ang taniman. Ginamit din nila ang ilog para sa kalakalan at transportasyon.