1 Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-iisip, pakikipag-ugnayan, at paglikha ng kultura. Sa wika natin naipapahayag ang damdamin at ideya, naibabahagi ang kaalaman, at naitatala ang kasaysayan. Ginagamit ito sa batas, edukasyon, agham, sining, at pang-araw-araw na ugnayan. Kung wala ang wika, mawawala ang pagkakaisa, kaayusan, at pagkakakilanlan ng isang pamayanan.2. Magkakaroon ng komunikasyong hadlang, mawawala ang transmisyon ng kaalaman sa susunod na salinlahi, at guguho ang mga institusyon (paaralan, hustisya, ekonomiya) na nakasalalay sa malinaw na pag-unawa. Papatayin nito ang kultura at tradisyon, at mauuwi sa pagkawatak ng lipunan.3. Ang wika ay sistemang sinasalita at sinusulat na may tunog, morpema, sintaksis, at semantika na pinagkasunduan ng isang pamayanan upang magpahayag at umunawa. 4. Upang magkaroon ng iisang midyum sa gobyerno, edukasyon, at midya na nauunawaan ng nakararami, nang mapabilis ang serbisyo, pag-aaral, at pagkakaisa habang iginagalang ang katutubong wika sa lokal na antas. 5.Malawak ang gamit at maraming nagsasalita;Mayaman sa panitikan at kayang gamitin sa pormal na diskurso;Heograpikong lawak at tradisyong pampanitikan;Kakayahang umangkop sa modernong termino;Pagtanggap ng publiko at potensiyal na maging lingua franca.