Ang SONA o State of the Nation Address ay idinaraos tuwing ikatlong Lunes ng Hulyo bawat taon. Ginaganap ito sa Batasang Pambansa sa Quezon City, kung saan nagtitipon ang mga miyembro ng Kongreso, mga opisyal ng pamahalaan, at iba pang panauhin.Ang SONA ay isang mahalagang aktibidad sa bansa dahil dito inilalahad ng Pangulo ang kalagayan ng bansa, mga natupad na proyekto, mga suliraning kinakaharap, at mga planong isusulong sa hinaharap.