Sa mga programa at aktibidad na binanggit sa SONA, ang ilan sa mga napagtagumpayan ay ang pagsisimula ng malalaking imprastraktura gaya ng mga tulay, kalsada, at riles ng tren sa ilalim ng Build Better More program. Isa pa sa positibong naitala ay ang pagtaas ng employment rate at ang pagbawas ng mga red tape sa mga serbisyo publiko, tulad ng digitalisasyon ng ilang government transactions.Samantala, ang mga hindi pa naging matagumpay ay ang pagkontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa bigas, gulay, at krudo. Sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan, marami pa ring Pilipino ang nagrereklamo sa taas ng presyo sa merkado. Isa pang hindi pa ganap na tagumpay ay ang reforma sa agrikultura, na bagamat naisaad, ay kulang pa sa konkretong aksyon at suporta para sa mga magsasaka.Ang tagumpay ng isang programa ay hindi lang nasusukat sa pag-anunsyo nito, kundi sa aktuwal na epekto nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.