Gawain: Tukuyin at lugnay! Layunin: Matukoy ang apat na salik ng produksyon at mailarawan ang kaugnayan nito sa mga aktwal na negosyo o produkto. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng sitwasyon. Sitwasyon: Isang grupo ng limang kabataan sa inyong barangay ang nagtayo ng maliit na negosyo sa paggawa ng milk tea. Nagdesisyon silang gamitin ang bakanteng garahe ng isa sa kanila bilang pwesto. Upang makapagsimula, bumili sila ng blender, dispenser, plastic cups, sangkap tulad ng tsaa, gatas, asukal, at pearls gamit ang inipong puhunan mula sa isa sa mga miyembro ng grupo. Ang isa sa kanila ang may ideya kung paano patakbuhin ang negosyo, mula sa paggawa ng resipe, pagbuo ng logo, at pakikipag-ugnayan sa supplier. Ang iba naman ay tumutulong sa paghahanda, pagtanggap ng order, pag-promote online, at pagbebenta. Ginagawa nila ito tuwing hapon pagkatapos ng klase. Sa loob ng ilang linggo, dumarami ang kanilang suki at lumalaki ang kita ng negosyo. Mga Tanong: 1. Ibigay ang apat na salik ng produksyon na makikita sa sitwasyon. 2. Ipaliwanag kung paano ginamit o lumitaw ang bawat salik sa kanilang negosyo. 3. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ng produksyon ang pinaka-mahalaga sa tagumpay ng kanilang milk tea business? Ipaliwanag kung bakit.
Asked by yashidoshizuru
Answer (1)
Ang apat na salik ng produksyon ay lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Ang bawat isa ay may mahalagang papel sa pagtataguyod at ...