Para sa akin, mas maganda kung ang wakas ng kwento ay naging masaya—na nalaman ni Mathilde na hindi pala tunay ang kwintas at tinanggap niya ang aral mula sa kanyang karanasan. Sana ay natutunan niyang pahalagahan ang kung anong meron siya, kaysa puro panlabas na anyo. Sa ganitong wakas, mas magiging malinaw ang mensahe ng kwento tungkol sa pagiging totoo at pagkakontento.