Ang pagbitay kina GomBurZa (Padre Gomez, Burgos, at Zamora) ay nagpagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Mas lalong naniwala ang mga tao na kailangan nilang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kalayaan mula sa mga Espanyol. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga isinulat tulad ng El Filibusterismo.