Sa aking palagay, hindi makatarungan na ang pamumuno ay ipasa lamang sa loob ng pamilya. Ang pamumuno ay isang responsibilidad. Kung ipapasa lamang ito, maaaring sila ay walang kakayahan, malasakit, at karapat-dapat mamuno—hindi lang dahil siya ay kamag-anak ng dating lider.Kung ang pamumuno ay ipapasa lamang sa pamilya, nawawalan ng pagkakataon ang ibang tao na may talento, galing, at tunay na layuning maglingkod. Bukod dito, maaari rin itong humantong sa pamilya-pamilyang pamahalaan na pinapaboran lang ang sariling interes, imbes na ang kapakanan ng nakararami.