HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Senior High School | 2025-07-27

Birtud Ano ang meaning

Asked by joy442541

Answer (1)

Ang birtud ay tumutukoy sa mabubuting gawi na paulit-ulit nating ginagawa hanggang sa ito ay maging likas na bahagi ng ating pagkatao. Isa itong matibay na ugali na tumutulong sa atin na gumawa ng tama, umiwas sa masama, at maging mabuting tao. Sa simpleng salita, ang birtud ay habit ng kabutihan.May dalawang uri ng birtud, ito ang: Intelektuwal na birtud at Moral na birtud. Intelektuwal na BirtudAng intelektuwal na birtud ay nakatuon sa paggamit ng ating isip o talino upang makamit ang kaalaman at katotohanan. Kapag malinaw ang ating pag-iisip, mas kaya nating gumawa ng tamang desisyon.Mga uri ng Intelektuwal na Birtud:Karunungan – Ang pinakamataas na uri ng kaalaman tungkol sa mga bagay na mahalaga sa buhay.Pag-unawa – Kakayahang maunawaan ang mga ideya at konsepto nang malalim.Sining o Agham – Kakayahang gamitin ang tamang kaalaman sa paggawa ng isang bagay o produkto.Maingat na Paghuhusga – Ang kakayahang gumamit ng tamang paghatol sa mga sitwasyon sa totoong buhay.Moral na BirtudAng moral na birtud naman ay may kinalaman sa ating asal, ugali, damdamin at ugnayan sa kapwa. Ito ang tumutulong sa atin upang piliin ang mabuti sa halip na masama.Mga uri ng Moral na Birtud:Katarungan – Pagbibigay ng nararapat sa iba at pagtrato nang patas sa lahat.Katapangan – Lakas ng loob na gawin ang tama kahit may takot o hirap.Pagtitimpi – Disiplina sa sarili upang kontrolin ang labis na pagnanasa.Maingat na Paghuhusga – Mapanuring pag-iisip at tamang pagpapasya sa bawat kilos o sitwasyon.

Answered by chaeunniekks | 2025-07-27