Ang sanaysay na "Ang Ningning at Liwanag" ni Emilio Jacinto ay isang pormal na sanaysay na naglalaman ng malalim na pagsusuri at pag-iisip tungkol sa pagkakaiba ng ningning at liwanag. Sa akdang ito, inilalarawan ni Jacinto ang ningning bilang mapanlinlang at pansamantalang nakasisilaw, samantalang ang liwanag ay simbolo ng tunay na katotohanan at kaliwanagan na kailangang paghahanap at pahalagahan ng tao.Ito ay bahagi ng kanyang kodigo na "Liwanag at Dilim," na naglalaman ng iba’t ibang sanaysay na may layuning magbigay ng kaalaman at magpalakas ng loob ng mga Pilipino noong panahon ng pakikibaka laban sa mga Espanyol. Pinapakita ng sanaysay ang mithiin ng tunay na pag-unawa, kaliwanagan, at ang pag-iwas sa mga anyo ng panlilinlang na tulad ng ningning.