Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento. Isa ito sa pinakamahalagang elemento ng isang naratibo o salaysay dahil nagbibigay ito ng direksyon at daloy sa buong kwento. Sa pamamagitan ng banghay, naiintindihan ng mambabasa kung paano nagsimula, lumago, at nagtapos ang mga kaganapan sa kwento.Bahagi ng banghay:Panimula – Dito ipinapakilala ang pangunahing tauhan, ang lugar kung saan nagaganap ang kwento (tagpuan), at ang suliranin o problemang haharapin ng tauhan.Tunggalian – Ito ang labanan o kontrahan sa kwento. Maaaring ito ay tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa kalikasan, o tao laban sa lipunan.Kasukdulan – Ang pinakatampok o pinakamainit na bahagi ng kwento. Dito malalaman kung paano haharapin ng pangunahing tauhan ang problema.Kakalasan – Unti-unting bumababa ang tensyon at nalulutas ang mga komplikasyon.Wakas – Ang huling bahagi kung saan natatapos ang kwento. Maaaring ito ay masaya, malungkot, o may bukas na katapusan depende sa daloy ng kwento.