Ang etnolinggwistiko ay isang sangay ng linggwistika na nakatutok sa pag-aaral ng ugnayan o koneksyon ng wika at kultura, partikular kung paano naiimpluwensyahan ng paniniwala, gawi, at identidad ng isang pangkat-etniko ang kanilang paggamit ng wika. Pinag-aaralan dito kung paano tinatanaw at dinarama ng mga pangkat etniko ang mundo sa pamamagitan ng kanilang wika. Isa itong kombinasyon ng etnolohiya (ang pag-aaral ng paraan ng buhay at katangian ng mga pamayanan) at linggwistika (ang agham ng wika).Halimbawa nito ay ang pag-aaral kung paano nagkakaiba-iba ang mga sistema ng direksyon o oryentasyong pang-espasyo sa iba’t ibang kultura batay sa kanilang wika.