Ang pisikal na katangian ng daigdig, tulad ng anyong lupa, anyong tubig, klima, at likas na yaman, ay may malaking epekto sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, kung ang isang lugar ay may masaganang anyong lupa at tubig, kadalasang agrikultura, pangingisda, at iba pang aktibidad ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao doon. Kailangan din ng mga tao na maki-angkop sa klima ng kanilang lugar, lalo na sa tamang panahon ng pagtatanim at pag-aani. Sa kabaligtaran, ang mga lugar na may mahirap na pisikal na kondisyon tulad ng disyerto o matataas na bundok ay nagdudulot ng iba't ibang hamon sa pamumuhay, tulad ng kakulangan sa tubig o hirap sa transportasyon.