1.) Ano ang papel ng Amerasian sa nobela?Ang mga Amerasian ay simbolo ng epekto ng kolonyalismo sa identidad ng mga Pilipino. Sila ay anak ng mga Amerikanong sundalo at Pilipina, madalas ay iniiwan at hindi tinatanggap ng lipunan. Ipinapakita sa nobela ang diskriminasyon at paghahanap nila ng sariling pagkatao.2.) Paano inilarawan ang mga babaeng tauhan sa Gapo?Ang mga babae ay inilalarawan bilang biktima ng sistemang mapang-abuso: ginagamit sa pr0stitusyon, niloloko ng dayuhan, at hindi pinakikinggan. Ngunit sila rin ay matapang, mapagmahal, at may paninindigan.3.) Paano inilarawan ang papel ng militarismo sa Olongapo?Ang militarismo ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga Amerikano sa ating bayan. Ang Olongapo ay tila naging laruan ng mga base militar – na apektado ang ekonomiya, kultura, at pagkatao ng mga tao roon.4.) Ilahad ang naging papel ng sekswalidad:Ang sekswalidad sa nobela ay hindi lamang pisikal kundi politikal: ginagamit sa kabuhayan, sa kaligtasan, at sa kontrol. May tema ng pr0stitusyon, pananabik sa kalinga, at paghahanap ng pagkilala.