Nagsimula ang kuwento sa maganda at maaraw na panahon kung saan maagang gumising si Langgam upang maghanap ng pagkain.Ang pangunahing tauhan ay sina Langgam at Tipaklong.Tinanggihan ni Langgam ang paanyaya ni Tipaklong na magsaya. Sa halip, ipinagpatuloy niya ang pag-iipon ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan.Giniginaw at nagugutom si Tipaklong dahil dumating ang tag-ulan at wala siyang naipon na pagkain o masisilungan.Hindi dapat tularan si Tipaklong dahil naging pabaya siya, mas pinili ang kasayahan kaysa ang paghandaan ang kinabukasan.