HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Edukasyon sa Pagpapakatao / Senior High School | 2025-07-26

Kahalagahan ng ekonomiks sa pamayanan​

Asked by alexismencias11

Answer (1)

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PAMAYANAN-ang ekonomiks ay mahalaga dahil makatutulong ito sa mabuting pamamahala at matalino at tamang pagdedesisyon. Sa isang pamayanan, makakapagdesisyon ang pinuno kung paano gamitin ang mga limitadong yaman upang matugunan ang pangangailangan ng lahat. Nakakatulong ang ekonomiks dahil ito ang nagiging daan upang makapagplano at makagawa ng mga polisyang makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan at kalidad ng buhay sa pamayanan.Karagdagang Impormasyon:-ang ekonomiks ay tumutukoy sa kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng at at kagustuhan gamit ang limitadong yaman.Nagmula ang ekonomiks sa salitang Griyego"oikos" - na nangangahulugang bahay o sambahayan"nomos" - na nangangahulugang pamamahalaSa kabuuan, pamamahala ng sambahayan.DALAWANG BAHAGI NG EKONOMIKS:MAYKROEKONOMIKS - galaw at desisyon ng sambahayan at bahay kalakal (sambahayan, bahay-kalakal at industriya).MAKROEKONOMIKS - desisyon sa pangkabuuang ekonomiya ng isang bansa. Dito sinusuri ang pambansang produksyon.

Answered by YourBeautifulAnswer | 2025-07-26