Answer:Ang komunismo ay isang sistemang ang layunin ay gawing pantay-pantay ang lahat ng tao. Isa sa magandang naidudulot nito ay ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga mamamayan, kahit sila ay mahirap o mayaman. Sa sistemang ito, ang mga serbisyong gaya ng edukasyon, gamot, at tirahan ay maaring libre o mura para sa lahat. Walang iilang tao lang ang may hawak ng kayamanan o negosyo, kundi para sa buong sambayanan. Pinapahalagahan din nito ang pagtutulungan ng bawat isa kaysa sa kompetisyon. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakaisa at bayanihan sa lipunan. Kahit may ilang hamon sa pagpapatupad nito, ang layunin ng komunismo ay isang lipunang pantay-pantay at makatao.