Bahay KuboAng mensahe ng bahay kubo ay tungkol sa payak ngunit masaganang pamumuhay sa probinsya. Ipinapakita dito na kahit maliit ang tahanan, ito ay napapalibutan ng iba't ibang uri ng halamang gulay na sumisimbolo sa kasipagan, pagiging kontento, at koneksyon ng mga Pilipino sa kasaysayan at kultura. Ito ay isang halimbawa para sa mga Pilipino na maging masipag at kontentado sa kung anong meron sa iyo. Ito rin ay sumisimbolo sa mga Pilipino dahil sa kahit anong hirap ng buhay, pinapakita dito ang pagiging matatag, na hindi hadlang ang kahirapan para magkaroon ng maayos at masustansiyang pamumuhay. Karagdagag Impormasyon:- ang bahay kubo ay isang masayang awitin tungkol sa simpleng pamumuhay sa lalawigan. Inilalarawan nito ang isang maliit na bahay na napapalibutan ng iba't ibang uri ng gulay. Ipinapakita rito ang kahalagahan ng pagtatanim at ang yaman ng kalikasan sa pamayanan.