Ang naging kalihim ng mga lupon ng kababaihan sa Katipunan ay si Josefa Rizal, ang kapatid ni Jose Rizal. Siya ay inihalal bilang kalihim ng lupon ng mga kababaihan na may 29 na miyembrong babae. Kabilang sa kanilang mga tungkulin ang pagprotekta sa mga lihim na kasulatang itinatago ng samahan at pagtulong upang malihis ang mga Espanyol sa mga pagpupulong ng Katipunan sa pamamagitan ng mga sayaw at kanta bilang panakip sa mga aktibidad ng samahan.